Pingris: “Ngayon, kami yung nagsasabi ‘panalunin niyo naman kami'"
Loading...
NEW conference, same old problem for Star.
NEW conference, same old problem for Star.
“Laging sa dulo eh,” the Hosthots workhorse said. “May pagkakataong manalo pero... sana matuto na kami. Madalas na nangyayari sa amin 'to eh. Kailangan mas anuhin namin 'yung depensa. 'Yun yung kailangang pag-aralan eh. Lagi na lang ganito so sana matuto na kami.”
“Hindi lang kailangang pag-aralan, kundi kailangan ilagay na talaga sa utak eh, tsaka sa puso,” he added. “Every natatalo kami since nung nawala si coach Tim – alam ko namang magaling din yung coach namin si coach Jason, hindi ko alam kung bakit nagkakaganun 'yung team namin ngayon.”
“Sa tingin ko ah, minsan pag kalaban kami ng ibang players, iniisip nila na, ‘ah wala, Star Hotshots lang yan.’ Parang ganun na yung dating sa akin,” Pingris admitted. “Hindi katulad dati, paparating pa lang ako, sasabihin na nila na "oy papalanunin niyo naman kami." Gumaganun yung mga ibang players."
“Ngayon, kami yung nagsasabi ng ganun, ‘panalunin niyo naman kami,’” added the Hotshots star, who had eight points and 10 boards. “Kailangan maibalik lang talaga - yung defense, yung tiwala sa isa't isa. Parang yun yung nagkukulang eh, naglalaro lang kami para sa sarili lang namin e. Pero wala na yung naglalaro na nag-eenjoy kami. Yung tiwala namin sa isa't isa ganun. So yun lang talaga yung kailangang ibalik sa team.”
source: Spin Ph
No comments: